Pagsusunog ng Patay (Cremation): Anong Sinasabi ng Bibliya?

Theology

Nabulabog ang sangka-Kristiyanuhan patungkol sa pagsusunog ng katawan ng mga patay nilang mahal sa buhay (cremation) noong mga ika-18th century nang inayawan ng asawa ni Mr. John Pratt ang natural na pagpapalibing. Ito ang nagbukas ng isipan ng maraming Kristiyano upang gawin ang proseso ng cremation para sa kanilang mga mahal sa buhay na namatay. Sa ngayon, maraming mga tao kasama na ang mga mananampalataya ay may maraming mga katanungan patungkol sa cremation. Ito ba ay gawain talaga ng mga Kristiyano noong mga sinaunang panahon sa kasaysayan ng iglesiya? Maaari bang gawin ito ng mga Kristiyano?

Para sagutin ang mga katanungan ay susuriin natin ang kasaysayan ng mga Hudyo at Kristiyano sa kapanahunan nila. Hindi natin layuning kondenahin ang anumang gawain ng cremation. Nguni’t ilalahad natin kung saan nagsimula ang ganitong gawain upang magkaroon ng kaalaman ang bawat mananampalataya sa ganitong gawain para sa kanilang mga patay na mahal sa buhay.

Ang salitang cremation ay nanggaling sa Latin na salitang “cremare” na ang ibig sabihin ay sunugin. Ang cremation ay ang proseso ng pagsusunog ng katawan ng mga patay. May mga naimbento na din namang ibang proseso upang maging environment friendly ang pagdi-dispose ng katawan ng mga patay tulad ng resomation and promession. Nguni’t ito nga ba ay isang desisyon lamang na wala nang kinalaman sa Salita ng Diyos?

Nais kong ilatag na walang direktang utos sa Luma at Bagong Tipan patungkol sa bagay na ito. Gayunpaman ay mayroon tayong malalaman sa kasaysayan ng mga Israelita at mga Kristiyano kung papaanong hindi nila naging gawain ang pagsusunog ng katawan ng kanilang mga patay (cremation) sa kanilang kapanahunan. Ito ay sa kadahilanang nalalaman nilang gawain ito ng mga pagano na may iba’t-ibang mga paniniwala patungkol sa kaluluwa at kabilang buhay. May mga naniniwalang kailangan nilang sunugin ang katawan ng mga namatay sapagka’t kinatatakutan nila ang mga patay. Ang iba naman ay ginagawa ito upang mapadali ang pagdala ng mga buto sa kung saan man sila pupunta. Samantalang ang iba naman ay para maiwasang nakawin ang patay na katawan ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang gawaing pagsusunog ng katawan ng mga namatay ay ginagawa na ng mga Hindu bago pa man maipanganak si Hesus. Para sa kanila ay nangangahulugan ito ng paglilinis ng kaluluwa ng tao (purification). Para naman sa mga South American Indians may mga naniniwalang ang pagsusunog ng mga patay ay upang hindi maging hayop ang kanilang mga mahal sa buhay at ang iba naman ay upang ang kaluluwa ng mga namatay na masasamang tao ay tuliyan nang mabura sa mundong ating ginagalawan.

Sa Bibliya, ang apoy ay ginamit din naman ng Diyos upang magsilbing parusa at paghuhukom para sa mga sumusuway ng Kaniyang mga kautusan. Ito ang nangyari sa Sodom at Gomorrah (cf., Gen. 19:24), sa mga taga-Ehipto (cf., Exo. 9:24), sa mga nagre-reklamong Israelita (cf., Num. 11:1), at kay Korah at sa mga nagrebelde (cf., Num. 26:10). Ang apoy din naman ay insultong ibinibigay sa mga kriminal. (cf., Josh. 7:15, 25; Isa. 30:33) May mababasa din naman tayong sinunog ang katawan ni Saul at ng kaniyang mga anak. (cf., 1 Sam. 31:11-13) Bagama’t hindi ito ang normal na gawain ng mga Israelita ay may mga palagay na maaaring ang katawan ni Saul at ng mga anak nito ay naaagnas at mabaho na hindi na nila ito kayang dalhin kung kaya’t napilitan silang sunugin na lamang nila. Ginawa din naman nila ito bilang mode of execution para sa mga criminal not a mode of burial (cf., Gen. 38:24; Lev. 28:14; 21:9)

Pansinin din mas ninais ni Jose na dalhin ang kaniyang mga buto upang ilibing ito ng maayos at ipalibing din ang kaniyang amang si Jacob. (cf., Gen. 50:5, 25) Sa katunayan, para sa mga Israelita at mga sinaunang Kristiyano, ang paglilibing ng bangkay ang siyang kanilang ginagawa upang ipakita ang respeto nito sa katawang ginawa ng Panginoon. Makikita din natin ito sa kung papaano nilang binalot ng maingat ang katawan ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng isang kumot. (cf., John 19:38-42)

Hindi natin layunin na kondenahin ang mga gumagawa ng cremation. Nguni’t kinakailangan lamang na kunin natin palagi ang ating paniniwala (conviction) sa katotohanan ng Bibliya. Maiintindihan natin kung ang kadahilanan sa likod ng cremation ay upang hindi kumalat ang isang sakit na nakakahawa. Ngunit maraming mga Kristiyano ang gumagawa lamang ng cremation sa kadahilang mas mura ito kung ihahambing sa pagpapalibing (earth burial). Kung ating pag-aaralan, ang nagtutulak sa kanilang desisyon ay ang pera sa halip na Salita ng Diyos. Nguni’t kung makakukuha sila ng pruweba sa Salita ng Diyos na ang cremation ay naaayon sa Kaniyang Salita ay wala tayong masasabi kundi igalang ang kanilang pananaw.

Sa katunayan, kaya namang buhayin ng Diyos ang isang na-cremate na isang patay na mananampalataya. Ito man ay kinain ng mga isda, sumabog ang katawan, o di kaya’y naagnas na sa isang liblib na lugar na hindi malaman kung saan. Hindi ito imposible sa Kaniya sapagka’t ang Diyos ay makapangyarihan. Sabi nga sa Kaniyang Salita sa Revelation 20:13, “And the sea gave up the dead who were in it…” If the reason for the dead body in turning to ashes ay dahil sa nature which you cannot prevent then God has a way naman in bringing back together the molecules and atoms ng ating mga katawan para ma-transform into a glorified body sa mga believers and natural body naman para sa mga unrighteous (see 1 Cor. 15:44). Ang kailangan lamang na mapatunayan ay kung ang gawaing cremation ay naaayon sa Kaniyang Salita. At kung hindi natin ito mapatunayan based sa Kaniyang Salita at nanggaya lamang tayo sa iba dahil mas convenient sa atin then we will be accountable to God for every action and major decision we make here on earth.

Biblical Reference:

So is it with the resurrection of the dead. What is sown is perishable; what is raised is imperishable. It is sown in dishonor; it is raised in glory. It is sown in weakness; it is raised in power. It is sown a natural body; it is raised a spiritual body. If there is a natural body, there is also a spiritual body.

1 Corinthians 15:42-44

Mga Tanong Upang Iyong Mapag-isipan:

  1. Bakit nais mong sunugin ang katawan ng isang yumao? Napag-aralan mo na ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito?
  2. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagsusunog ng bangkay sa panahon ng mga unang Kristiyano?
  3. Papaano mong magagamit na ilustrasyon ang katawan ng isang yumao upang maipaliwanag ang ebanghelyo ng Diyos?

Explore More

0 Comments