“Receiving Jesus As Personal Lord and Savior,” Mali Daw Sabi Ni Mr. Soriano: Is This True?

Cult, Exegesis | 0 comments

Maraming mga Pilipino ang humahanga sa galing ni Mr. Eliseo Soriano, ang founder ng Members CHurch of God International (MCGI) sa kaniyang pagpapaliwanag (daw) ng BIbliya. Pero kung ikaw ay marunong sa BIble at aral sa pundasyon ng doktrina ng Bibliya ay masisiguro ko sa iyong hindi ka niya madadala sa kaniyang mga paliwanag.

Ilang beses kong napapakinggan sa kaniya ang kaniyang mga arguments na mali daw ang ganitong klaseng katuruan ng pagtanggap kay Jesus bilang sariling Panginoon at Tagapagligtas. Alam niyo ba kung ano ang kaniyang mga dahilan? According to Mr. Soriano, “Ano iyan? Parang toothbrush?” Kasi nga naman ang toothbrush ay personal dapat sa mga gumagamit. Ibang klase din naman si Mr. Soriano kung gumamit ng comparison ano? Actually, nanggagaling si Mr. Soriano sa isang maling understanding ng pagtanggap kay Jesus Christ. Sabi niya, ang dapat daw na tinatanggap ay ang aral ni Cristo acocording sa isang verse na palagi niyang kino-quote sa John 12:48 saying, “The one who rejects me and does not receive my words has a judge; the word that I have spoken will judge him on the last day.” Sabay ang kaniyang paliwanag dito ay ganito, “Kaya maliwanag mga kababayan, na ang pagtanggap sa ating Panginoong Hesukristo ay pagtanggap sa kaniyang mga pananalita at ang pagtatakwil sa kaniyang pananalita ay pagtatakwil sa kanya. Bigyang pansin natin ang salitang ‘Iglesia’ na itinatakwil ng ibang mangangaral ngayon.” [1]              

If you are not educated in the Scripture, I’m sure madadaya ka ni Mr. Soriano sa kaniyang mga paliwanag. Sa paliwanag ni Mr. Soriano na “ang pagtanggap sa ating Panginoong Hesukristo ay pagtanggap sa kaniyang mga pananalita” ay isang pag-aamin na din na kailangan din palang tanggapin muna si Jesus bago pa man tanggapin ang kaniyang turo o aral. Sa totoo lang, dito din niya ipapasok ang turo niya na importante daw ang relihiyon dahil isa itong aral ni Jesus. Wala namang problema sa religion sapagkat ang ibig lang naman sabihin ng religion sa Greek ay θρησκεια or isang “external ceremony” na tumutukoy sa mga mabubuting gawa ng mga Hudyo para sa mga widows and orphans. Kumbaga sa ating konsteksto sa ating panahon ay mga good works na ating ginagawa like ministry sa church and charity works in reaching the lost people. But if you will use religion as a means for you to be saved then dito ka magkakakaroon ng problema. Kasi sabi ni Jesus, “I am the way, and the truth, and the life. No one comes to the Father except through me” (Jn. 14:6) Hindi naman sinabing, “Religion is the way, the truth, and the life.” In fact, noong tinanong nina Paul and Silas ang isang Philippian jailer na “Sirs, what must I do to be saved?” (Acts 16:30) Ang sagot ng dalawa ay ganito, “Believe in the Lord Jesus, and you will be saved, you and your household” (Acts 16:31). Sinabi ba diyan na “Believe in the Lord Jesus Christ and his teaching about religion and the church, and you will be saved?” Hindi naman di ba? Sa katunyan, it’s already given that when you believed in the Lord Jesus Christ you will also believed in His teachings. Papaano kang maniniwala sa kaniyang mga turo kung hindi ka muna maniniwala sa Panginoong Hesus? Ito pa ang mga linya ng arguments ni Mr. Soriano sa kaniyang programa,

“Sabi ng born again tanggapin mo si Cristo, tangapin mo si Cristo! Anong tatanggapin mo kay Cristo? Eh, di yung aral niya! Hindi mo naman matatanggap si Cristo ngayon na personal eh! Tatanggapin daw na personal na Tagapagligtas, hindi nga makakapunta sa bahay mo si Cristo eh! Personal? Personal? Hindi pa nga nakakabalik eh. Personal? Mapupuntahan ka ba ng personal ni Cristo ngayon? At puwede mo ba naman siyang tanggapin ng personal na Tagapagligtas? Paano mo naman siyang tatanggapin ng personal na Tagapagligtas eh siya’y nasa langit. [Nagmura muna] aral iyan oh. Mga kapatid, mga kababayan, mag-isip kayo. Tanggapin ‘ika ng personal na Tagapagligtas, siya lang ang makakapagligtas, o tanggapin mo si Cristo. Anong tatanggapin mo kay Cristo? Ang tatanggapin mo kay Cristo yung aral niya! Iyong turo niya! [Sabay quote ng Colossians 2:6] Kung paano mong tinanggap si Cristo, lalakaran mo, gaya ng pagkaturo. Ang pagtanggap kay Cristo ay pangtanggap sa kaniyang turo. Yung ebanghelyo, yung aral na ipinangaral niya. Pagkatanggap iyon. Iyon ang kaligtasan mo. Ang kaligtasan ay ang ebanghelyo na itinuro ni Cristo. Kung tatanggapin mo si Cristo, tatanggapin mo yung kaniyang ebaghelyo na itinuro, yun ang kaligtasan kapatid. [Sabay quote ng John 12:48].” [2]  

If you notice, Mr. Soriano doesn’t believe that Jesus, being God, is equal in nature with His Father, is omnipresent (see Jn. 1;1; 5:18; 10:30). Sinabi pa nga ni Jesus sa kaniyang mga disciples bago Siya umakyat sa langit ang ganito, “And behold, I am with you always, to the end of the age” (Matt. 28:20b) Hindi pa ba siya maniniwala na nasa lahat ng dako si Jesus? O baka naman ang basahin niyang mga verses dito ay yung mga passages na may koneksiyon sa Kaniyang pagiging tao noong Siya ay naglalakad at nasa isang lugar. Of course, we believed this because Jesus has human nature even hanggang ngayon pa rin naman pero in the form of a glorified body. But I hope Mr. Soriano will also accept the fact that Jesus can be in every place because of His nature as God. Sabi nga ni Jesus mismo “For where two or three are gathered in my name, there am I among them” (Matt. 18:20) Now, tell me, does this prove Jesus’ omnipresence? Kaya yung sinasabi ni Mr. Soriano na hindi makakapunta sa bahay mo si Jesus or hindi pa kasi Siya bumabalik ay puro misrepresentation iyon ng Kaniyang identity. 

Sa katunayan, iyong pag-quote ni ng Colossians 2:6 ay pilit niyang iniiwasan ang nakasulat doon at mabilis na inililigaw ang mga tao sa kasunod na mga phrase kasi ang nakasulat diyan ay ganito,

“Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,” – Colosas 2:6, AB

Ngayon, pansinin ninyo ang nakasulat uli. Sabi ni Paul diyan ay ganito, “Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon…” Ngayon, ang tanong ko sa inyo, tinanggap ba ng mga apostol at mga disciples si Jesus na Panginoon? Siyempre, pansariling Panginoon ito dahil ang kaligtasan naman natin talaga ay personal hindi pang-grupo. Now, pagkatapos nilang tanggapin si Jesus na Lord, ano ang next na kailangan nilang gawin? Siyempre, ang “magsilakad kayong gayon sa kaniya.” Ang salitang “magsilakad” ay nanggaling sa Griyegong salitang περιπατειτε na ang ibig ipakahulugan ay “to make one’s way, progress; to conduct one’s life” in Him. Sa Hebrew ang ibig sabihin talaga nito ay to live in Him. Kaya no wonder, ang ibang mga Tagalog na version ay ganito ang sabi, “Dahil tianggap n’yo na si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo nang karapat-dapat sa kanya” (Col. 2:6, Ang Salita ng Dios). 

Ang problema sa paliwanag ni Mr. Soriano ay pilit niyang inuuna ang pagsunod sa aral ni Cristo kaysa sa tanggapin muna Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas. O, baka naman sabihin ni Mr. Soriano na ang nakasulat lang ay “Panginoon” at walang Tagapagligtas. Para po sa kaalaman ng lahat, ang word po na Lord ay nanggaling sa Griyegong salita na κυριον na ang counterpart talaga nito in reference to Jesus ay Yahweh na Diyos at Tagapagligtas ng lahat. 

waiting for our blessed hope, the appearing of the glory of our great God and Savior Jesus Christ, – Titus 2:13

For to this end we toil and strive, because we have our hope set on the living God, who is the Savior of all people, especially of those who believe. – 1 Tim. 4:10

Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo: 2 Pedro 1:1, AB

Ang nakakalungkot, pinipilipit po ni Mr. Soriano ang ebanghelyo by saying na yung gospel daw ay iyon yung aral na dapat tanggapin. Hindi po iyon totoo. Totoo na dapat tanggapin ang ebanghelyo, pero hindi po ito yung “aral” ni Jesus kundi yung good news po tungkol kay Jesus Christ ang dapat na paniwalaan at tanggapin. Kapag “aral” ang iyong tatanggapin ay malamang mauwi ka sa good works para ikaw ay maligtas na hindi naman iyon ang sinasabi ni Paul sa kaniyang sulat sa Ephesians 2:8-10. Ano ba ang gospel or good news? Ito ay ang tungkol sa pagkamatay, at pagkabuhay na muli ng ating Panginoon at Tagapaglistas na si Jesus (see 1 Cor. 15:1-8). At kung tatanggapin mo si Jesus, maniniwala ka sa Kaniya, at mananampalataya ka sa Kaniya ay magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan (see John 3:16; Acts 16:31; Jn. 1:12; 3:18). Maraming pang mga patunay na verses na nagsasabi kung papaano kang mase-save by believing in Jesus Christ or receiving Him into your life as personal Lord and Savior pero sapat na po sana ito para magising kayo sa inyong mga isipan.    

Hindi din ba naisip ni Mr. Soriano na noong nag-confess si Thomas na “My Lord and My God” kay Jesus ay personal Lord, God, and Savior din ito na matatawag? Sa katunayan ang Greek words po nito ay very direct, “και απεκριθη ο θωμας και ειπεν αυτω ο κυριος μου και ο θεος μου” (and answered the Thomas and said to him the Lord of me and the God of me). Now, tell me, hindi ba personal na Panginoon at Diyos si Jesus para kay Thomas? Baka naman sabihin ni Mr. Soriano na hindi naman kasi natin kaharap si Jesus. Nabanggit ko na po sa una na si Jesus ay omnipresent kahit na magpahanggang nagyon dahil sa Siya ay Diyos na kapantay ng Kaniyang Ama. Malamang gagamitin po ni Mr. Soriano ang John 14:28 para sabihin na ang Ama ay higit na dakila kaysa sa Anak. Madali lang pong i-refute o pabulaanan si Mr. Soriano dito dahil ang Greek word po ng “greater” dito ay μειζων  na tumutukoy sa position or role ni Jesus sa Kaniyang pagkakatawang tao. Natural mas higit na dalikla ang Ama sa Kaniya kung ikukumpara sa Kaniyang pagiging tao na kalikasan o kalagayan (nature or essence) pero pantay pa rin sila sa pagiging Diyos ng Kaniyang Ama according to John 5:18.   

Ibabalik ko uli sa mga followers ni Mr. Soriano ang kaniyang sinabi na Mga kapatid, mga kababayan, mag-isip kayo.” Oo, mag-isip kayo mga kaibigan dahil kapag mali ang mga turo ni Mr. Soriano ay masisiguro natin na dadalhin po tayo sa kapahamakan ng kaniyang mga aral. Huwag niyong hahayaan na isang tao lamang ang mag-iisip at mag-aaral ng Bible para sa inyo. Delikado po kayo. Huwag niyo pong ibibigay ang inyong kaluluwa sa isang taong akala mo ay tama na ang kaniyang mga paliwanag, at iyon pala ay maling-mali. Ang turo po ni Mr. Soriano ay hindi tunay na ebanghelyo kundi “ibang-helyo” a different news not a good news. A gospel which is not faithful to the teachings of the apostles.      

1:6 I am astonished that you are so quickly deserting him who called you in the grace of Christ and are turning to a different gospel— 1:7 not that there is another one, but there are some who trouble you and want to distort the gospel of Christ. 1:8  But even if we or an angel from heaven should preach to you a gospel contrary to the one we preached to you, let him be accursed. 1:9  As we have said before, so now I say again: If anyone is preaching to you a gospel contrary to the one you received, let him be accursed. – Galatians 1:6-9, ESV

Footnotes:

[1] Eliseo Soriano, “Ang Dating Daan (Fourth Series),” January 1994, p. 23.

[2] Ang Aliping Walang Kabuluhan , “Ano ang Tunay na Kaligtasan,” YouTube Video, 4:34-7:03, August 1, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=hBtx_dSAmbI

Explore More

An Open Letter To Miss Yeng Constantino

An Open Letter To Miss Yeng Constantino

Dear Miss Yeng, First, we would like to commend you for your zeal and passion to serve the Lord ever since you came to know Jesus Christ as your personal Lord and Savior. It is clear that your heart desires to grow in faith and to use your gifts for God’s glory. We...

read more

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *