Mahilig akong magbasa ng ng mga libro in connection sa Christianity and world religions aside from the Bible. And usually, bago tayo naka-quarantine dahil sa pandemic, I frequent the bookstores. Pag may nalaman akong bookstore sa loob ng mall na iyon ay siguradong magka-carve ako ng time para lang mapuntahan ito. Noong araw na iyon, I went inside a bookstore na nasa loob ng isang malaking mall. Pagpasok ko, I notice agad itong young lady na para bang may hinahanap siyang libro sa religion section ng mga shelves. Sinubukan ko siyang lapitan just to strike a conversation.
My question to her was, “Taga-Ang Dating Daan ka ba?”
Actually, na surprise siya sabay sabi, “Paano mo nalaman?’ Anyway, bigla niya din akong tinanong ng, “Kayo ba yung mga born-again na nagsasabing hindi sa pamamagitan ng relihiyon maliligtas ang isang tao?”
Medyo na-shock ako sa tanong niya pero sinagot ko pa rin ng may respect at gentleness. Ang sabi ko, “Oo, kami nga iyong mga nagsasabi ng Halleluyah! At Praise the Lord!”
She immediately started to explain some things na para bang prepared na prepared siya about the topic saying, “Alam mo na ang salitang relihiyon sabi nga ni Brother Eli ay galing sa salitang ‘religare’ na ang ibig sabihin ay to tie up.”
The lady was talking for about five minutes ng tuloy-tuloy na noong humugot siya ng hangin para huminga ng malalim sa panandalian ay gin-rab ko iyong opportunity para i-cut siya sabay sabi ng, “Alam mo ba na ang orihinal na salita ng New Testament ay hindi nanggaling sa Latin kundi sa Griyego?”
Medyo nagulat siya kung kaya’t nakuha ko ang kaniyang attention.
I continued with my explanation by saying, “Ang salitang ‘relihiyon’ sa New Testament ay nanggaling sa salitang θρησκεια na ang ibig ipakahulugan ay ‘external ceremony’ na nagre-refer sa mga mabubuting gawain patungkol sa pagbibisita sa mga orphans at widows sa kanilang kapighatian. Ito din ay may meaning ng pag-iingat na hindi ka marumihan ng sanglibutan ito.”
Medyo natigilan siya at nag-isip. Pagkatapos ko siyang kausapin ay umalis na ako para maghanap ng iba pang mga libro. After a few minutes ay napansin ko uli siya but this time nasa dictionary section at hawak na niya ngayon ay isang Greek dictionary. Nilapitan ko uli siya at sinabing, “Hindi iyan ang dapat mong binabasa na reference kundi yung mga Bible lexicon na puwede mong mabili sa isang Christian bookstore.”
Napatingin uli siya sa akin at sinabing, “Alam mo mas maganda kung mag-debate na lang kayo ni Brother Eli.”
I smiled then responded, “Alam mo, ang kausap ko ay ikaw at hindi siya. Are you a robot na hindi ka na puwedeng mag-isip sa ganang sarili mo? Palagi mo lang bang hahayaan si Mr. Eliseo Soriano na mag-isip para sa iyo? HIndi ka ba puwedeng mag-research sa sarili mo? After all, nandiyan naman ang Holy Spirit para buksan ang ating kaisipan para sa katotohanan.”
Doon siya biglang natahamik at napaisip.
Alam ninyo, maraming mga tao sa ating panahon ang ayaw mag-aral at magbasa ng Bible on their own. Gusto nila may nagpapaliwanag palagi sa kanila at ayaw nilang mag-isip. Alam niyo ba na ganito ang ginawa ng Roman Catholics sa mga tao starting fourth and fifth century hanggang sa panahon ni Martin Luther kung saan siya ay nag-protest sa mga teachings ng church niya? Hindi ini-encourage ng mga pari noong mga panahong iyon na magbasa ang kanilang mga members kasi nga ay baka kung ano-ano ang interpretation na gawin sa Bible. Ganitong-ganito din ang gustong mangyari ng mga Iglesia Ni Cristo, Jehovah’s Witnesses, Ang Daan Daan, PMCC 4th Watch, at marami pang mga cults na nagkalat. Ayaw nila na ang mga members nila ang nag-i-interpret ng Bible kasi pag ang leaders lang ng mga cult groups na ito ang marunong ay kaya na nilang pagalawin ang mga tao depende sa kung ano ang turo na gusto nilang ibigay. This is spiritually dangerous. Biruin mo, mag-a-agree ka na lang sa mga teachings nila. At kapag sinubukan mong i-correct yung doctrines ng pinaka-leader nila ay puwede kang ma-excommunicate. Ibang-iba talaga ito sa mga Christians. Kasi sa mga Christian churches ay ini-encourage ka nilang magbasa ng Bible at intindihin ito at kahit na i-interpret mo pa, basta ba open ka for any correction pagdating sa proper grammar at hermeneutics. Dapat we also need to learn how to read and do our own research katulad ng mga Christians sa Berea nagre-research, nag-e-examine, at nag-ii-scrutinize ng Scriptures kahit na si paul pa mismo ang nasa harap nila. Ang ganda nilang modelo ng isang student of the Word. In fact, tinawag sila ni Apostle Paul na noble sa Acts 17:11.
Can you imagine that?
Sobrang dami ng mga tao sa time natin ang madaling madala ng mga false teachers na akala mo pag nagsalita ay alam na alam nila ang kanilang mga sinasabi. Para bang pag sinabi nilang, “Ayon sa Bibliya…” or “Pakibasa nga kapatid na Pedro… Basa!” ay ang lakas ng dating! Hindi mo na siguro iisipin na may mga errors yung kaniyang mga ini-explain sa Bible at magtitiwala ka na lang basta binasa niya ng verbatim sa Bible.
Siguro masasabi nating isa na si Mr. Soriano sa mga sikat na tao sa Philippines dahil na rin sa kaniyang ipinapakitang galing sa pagkabisado ng mga verses sa Bible. Alam ninyo, madaling magkabisado ng verses sa Bible. May alam nga akong isang pastor na kabisado niya buong King James Version of the Bible. Ang pangalan niya ay si Dr. Jack Van Impe. Kaya hindi na unique itong pagiging kabisote ni Mr. Eliseo Soriano. Ang ganda niya sanang panoorin at pakinggan ano? Kasi halos lahat ng tanong mo ay para bang kaya niyang sagutin at may kasama pang verses. Pero kapag ang ginawa mo ay nakinig ka lang sa mga teachings niya, hindi mo talaga iisipin na may mga mali sa kaniyang explanations unless matutunan mong i-double check yung kaniyang mga sinasabi with matching references. At kapag sinabi kong “matching references” ibig sabihin nito ay tingnan mo rin ang masasabi ng mga totoong Bible scholars at theologians.
Siya nga pala ang founder ng group na tinatawag sa ating bansa na Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Inc. (Whew!). Mukhang kakapusin ka ng hangin kapag tinuloy-tuloy mo ang basa ng name ng group nila. Actually, sa Philippines ang ginagamit nilang pangalan ay hindi ito kundi itong Members Church of God International or MCGI for short. Pero mas known sila sa pangalan ng kanilang radio program na Ang Dating Daan or sa English ay The Old Path. Ang pangalan ng religious group nila ay kinuha sa 1 Timothy 3:15 na ang sinasabi ay “the church of the living God, the pillar and ground of the truth.” Fi-norm nila ang kanilang group noong 1990 after humiwalay ni Mr. Soriano sa religious group nina Mr. Nicolaz Perez, yung dating minister ng Iglesia Ni Cristo at naging founder ng group na Iglesia ng Dios Kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan noong siya ay humiwalay dito. Parang halos the same yung pangalan nina Mr. Soriano sa grupo nina Mr. Perez ano? Actually, ang pagkakaalam ko ay nagkaroon pa sila ng legal battle over the name pero ayoko nang pag-usapan natin iyan.
Hindi na rin nakakagulat ang ganitong practice ng ibang mga theological cult kasi para masabi ng maraming tao na biblical ang religious group nila, ay kukunin nila usually ng verbatim ang pangalan ng kanilang religious group sa verse mismo ng Bible. Kasi para sa kanila, pag nabasa mo ang pangalan ng grupo nila sa Bible ay mas biblical. Ibang klase ding mag-isip ano? May nakausap nga akong taga-Ang Dating Daan na hinamon ako na ipakita ko daw sa Bible ang pangalan ng church ko. Sabi ko sa kaniya, “Ang totoo, hindi mo makikita ang pagkakasunod-sunod ng pangalan ng church namin sa Bible. Pero ikaw naman ang tatanungin ko. Ang pangalan ba ng grupo mo ay nasa Bible din? Gusto ko ay sunod-sunod ang pagkakalatag ha. Nasaan sa Bible yung pangalan ng religious group ninyo na Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Inc.?” Natigilan siya sandali, at mahina niyang inamin na, “Wala.” Oh, di pareho pala tayong wala ang pangalan ng religious group natin sa Bible. Natawa na din siya kasi nakuha niya ang gusto kong sabihin.
Hindi importante kung anuman ang pangalan ng religious group mo kasi sa Bible ang mga believers ay binibigyan lamang ng description kung sino sila based sa kanilang standing kay Lord. Puwede silang tawaging “Christian” kasi followers sila ni Christ (see Acts 11:26). Tinatawag din naman silang “Congregation in the Wilderness” kasi typology sila ng mga Israelites noong napunta sila sa desert (see Acts 7:38). Tinawag din silang mga members ng “The Way” kasi nga Jesus claimed to be “The Way” (see John 14:6). They were also describe as “churches of Christ” kasi marami silang mga groups of local churches sa Rome (see Rom. 16:16). So wala talagang sinabi si Lord sa mga disciples na “O, simula ngayon ito na ang magiging pangalan ng Church ko!” Kaya huwag kayong magpapaniwala sa mga nagsasabing ito ang totoong pangalan ng Iglesia ni Hesus.
The truth is marami ang pumupunta sa Bible Exposition ni Mr. Soriano. Ini-invite sila sa mga Ang Dating Daan Coordinating Centers nila para makinig sa lectures at teachings mismo ng founder ng group na ito. Ginagawa nila ito through live streaming sa iba’t-ibang countries. Ang pinaka-interesting part ng kanilang event ay iyong, “Itanong Mo Kay Soriano Bibliya ang Sasagot” or “Ask Bro Eli” kasi may mga ilang foreigners na ring nakikinig sa kaniya. Hindi pa kasama dito iyong mga nanonood sa kani-kanilang mga bahay na mga members ng Roman Catholic Church kasi may mga ibang tao na gusto lang makinig ng religious discussion pero hindi sila member. Sa huli niyan, ay nako-convince na rin sila dahil sa wala silang kaalam-alam sa Bible. Marami din talagang nadadalang mga tao because of their curiosity.
Hindi na bago itong ganitong practice ni Mr. Soriano kasi may mga gumagawa na nito many years ago. Hindi pa uso ang internet kundi street evangelism pa lang ang nakakagawian ng mga Christians noon ay sumasagot na si Dr. Walter Martin ng mga tanong ng maraming mga inquirers niya kahit sa kalye pa. There was a time during the early days of his ministry noong nasa isang kalye siya ng New York ay halos ma-block yung kalsada sa dami ng taong gustong magtanong. He is being invited all over the United States para lang mag-lecture at sumagot ng mga different Bible questions galing sa mga audience niya na magkahalong believers, cultists, or skeptics. Ini-entertain pa rin sila ni Dr. Martin kahit na anong tanong ang itanong nila about the Bible. Ang radio program niya sa United States ay syndicated na pinangalanang The BIble Answer Man and Martin Under Fire. He founded the Christian Research Institute, the largest apologetics ministry na devoted para tumulong sa maraming mga churches all over the world kung paano mag-reachout at mag-evangelize sa mga cult groups. At least, si Dr. Martin ay nakapag-aral ng formal biblical language at theology sa isang known seminary kaya alam nating may nalalaman siya sa Hebrew at Greek languages, hindi tulad ng maraming mga leaders ng mga cult na self-help lang sila sa mga e-Sword at Bible Apps. Alam mo ba iyon? Ang totoo, pag bumili iyang mga iyan ng mga books nating mga evangelicals ay isang damakmak. Bakit? Kasi nga, wala silang mga scholars sa kanilang grupo. Usually, kumukuha lang iyan ng information sa mga evangelicals, pag-aaralan ang books nila at magpapanggap na marunong na daw sila. Hindi lahat ng mga nagko-quote ng Bible ay dapat paniwalaan kasi marami diyan walang formal study. Kaya nga biniyayaan ni Lord ang church ng mga teachers para may makatulong sa ating pag-aaral ng Kaniyang salita (see Eph. 4:11-12). I hope kunin natin ang kanilang mga expertise at tulong.
May mga nae-encounter nga ako na mga members ng cult groups na nagsasabi na, “Sina Peter at yung mga apostles naman ay wala ding pinag-aralan so bakit kailangan pa natin pag-aralan itong mga Hebrew at Greek na ito?” Ang sagot ko naman sa kanila ay ganito, “Eh sina David, Isaiah, Moses, Peter at yung mga kasama niyang ang mga apostles ay nakakaintindi at nakakapagsalita ng ancient Hebrew at Greek. Ang mga language na ito ang kanilang normal na lengguwahe lalong-lalo na ang koine Greek na ang ibig sabihin ay salitang kalye na Greek. Kumbaga sa Pilipinas, ang Tagalog ay alam ng halot lahat ng Pilipino. Ang tanong ko, marunong ka bang magbasa at umintidi ng mga languages na ito? Sige nga basahin mo ang Greek New Testament na hawak ko?” Nanahimik na sila pagka-ganito. Lumalabas lang talaga na kailangan natin ng tulong nga mga Hebrew and Greek Bible experts o scholars.
Kung ang libro ay isinulat sa Ilokano ay hindi ako puwedeng magdunong-dunungan na para bang kaya kong magbasa o mag-translate ng Ilokonano into Tagalog na ang truth talaga ay Tagalog lang ang alam ko. I hope nakuha mo ang gusto kong sabihin. Kaya nga itong mga leader ng mga different cult groups ay hindi puwedeng magdunong-dunungan na para bang may alam sila sa original na languages. Okay lang sana kung ang babasahin at iintindihin ay yung mga ordinary stories lang sa Bible katulad the parable of the prodigal son, ten commandments, about love, eh hindi mo na siguro kailangan ng malalim na pag-aarala ng biblical languages dito sa mga narratives at teachings na ito. Ang problema, kapag ang isang tao ay nagmarunong at kadalasan ay they contradict the major doctrines of the Bible. Kaya pag ito na ang ginawa ng mga taong ito ay hindi mo maiiwasan na pumunta sa orginal languages para magkaalaman kung ano ang talagang totoo.
Maraming mga books na nagdi-deal sa mga Bible questions na puwede mong mabili sa mga Christian bookstores tulad ng Hard Sayings of Paul ni Dr. Manfred T. Brauch, Bible Answers For Almost All Your Questions ni Dr. Elmer Towns, The Bible Questionsa ni Hal Seed, The New Answers Book ni Ken Ham, at marami pang iba. Ang kailangan lang talaga ay mag-invest tayo sa mga ganitong klaseng mga libro. Sabi nga ng wise man sa Proverbs 23:23, “Invest in truth and wisdom, discipline and good sense, and don’t part with them.” So huwag kang magti-tipid pagdating sa pag-aaral mo ng Bible lalo na kung kaya mo namang bumili.
Ang difference ng mga legitmate Bible teachers na ito sa mga nagkalat na mga leaders ng different cult groups ay ang kanilang formal na pag-aaral sa context, grammar, culture, geography, practice, church history, and original languages ng Bible. Kaya mag-i-ingat tayo sa mga nagpapanggap na marurunong daw. Bibigyan ko kayo ng mga examples kung saan mali ang mga explanation ni Mr. Soriano sa kaniyang mga paliwanag.
Sabi ni Mr. Eliseo Soriano ay ganito, “The first doctrine of the Catholic church is the Trinity. They call it as the Holy Trinity. And in the doctrine they say, ‘That there is only one God with three distinct Persons: the Father, the Son, and the Holy Ghost who are perfectly equal to each other. That is an erroneous doctrine because it is not biblical. In fact, there is no such word as Trinity in the Bible. Even if you ask the computer to search the whole Bible for the word Trinity it is not true. It is not in the Bible.” 1
Ang bilis naman niyang i-dismiss ang theology ng Trinity dahil sa hindi lang niya mabasa ang salitang ito sa Bible. Kung hindi mo pag-aaralan ang Bible siguradong mag-a-agree ka sa kaniya. Totoo naman talagang walang word na Trinity sa mga pages ng Bible. Sa katunayan, ang salitang “Bible” o “Bibliya” ay wala din naman sa English at Tagalog na versions ng mga Bible. Pero it doesn’t mean na hindi na natin ito puwedeng gamitin. Ang ibig sabihin lang naman ng Bible ay set of books na nanggaling sa salitang “βιβλίον” (see Rev. 20:12). Sige, subukan lang ni Mr. Sorianong hanapin ang salitang Bible sa word search ng isang Bible software, kahit na abutan siya ng isang taon ay wala siyang makikitang ganitong klaseng word. Kahit nga ang salitang theocracy ay wala din sa Bible pero naniniwala tayong nangyari sa bansang Israel ang bagay na ito dahil si God ang naging ruler nila bago in-allow ni Lord ang Israel na magkaroon ng isang human king through king Saul. So walang problema kahit na gamitin natin ang salitang Trinity. Basta ang importante ay it reflects the teachings and revelation of the Scripture with regards to the three distinct divine Persons: the Father, the Son Jesus, and the Holy Spirit.
So ano ba ang Trinity? Ang Trinity ay katuruan na nagsasabing may isang Diyos na si Yahweh at itong Yahweh na ito ay binubuo ng tatlong divine Persons: the Father, the Son, and the Holy Spirit. Ang sabi ng Bible ay mayroong isang Yahweh o Diyos lamang. Pero may binabanggit din ang Bible na Father at Siya daw ay si God at Father ni Jesus (see Gal. 1:3). Si Jesus ay nag-claim din na God at Siya ay nagkatawang-tao (see John 8:24, 58; 10:30). And lastly meron ding binanggit ang Bible na Holy Spirit at Siya din ay tinatawag na God (see Acts 5:3-4; Ps. 95:7-11; Heb. 3:7-11). And itong tatlong divine Persons na ito ay dapat na bigyan ng equal na reverence, adoration, and worship kasi nga ang pangalan nila ay Yahweh. Sila ang one (echad) Yahweh ng Bible.
“Hear, O Israel: The LORD our God, the LORD is one. – Deuteronomy 6:4
Dugtong pa ni Mr Soriano, “It is true that there is a Father, a Son, and a Holy Ghost. But they are not perfectly equal as the Catholic Church claim. Let us read in the book of John 14:28 says ”You heard me say to you, ‘I am going away, and I will come to you.’ If you loved me, you would have rejoiced, because I am going to the Father, for the Father is greater than I.’ It is very clear and very categorical statement of the Lord Jesus Christ Himself, “My Father is greater than I.” 2
Maraming mga cult leaders ang nagkakamali ng kanilang understanding dito sa passage na ito. Iyan ang hirap kapag hindi nila iniintindi ang sulat ni John sa buong New Testament especially sa life ni Jesus. Ang gagawin ko ay iko-quote ko na lang ang mga writings ni John at hindi na ako pupunta sa mga iba pang writings ng mga apostles para hindi kayo malito.
Kailangan nating maintindihan muna na si Lord Jesus Christ ay Diyos na nagkatawang-tao. Sabi nga sa John 1:1, 14 “In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God…. And the Word was made flesh, and dwelt among us.” Yung Word na kasama ni God (the Father) ay si Jesus. Now, bakit ko nasabing si God the Father ang kasama ni Jesus dito sa John 1:1. Eh kasi nga, in-explain Niya din ito sa 1 John 1:2 noong sinabi din ni John na, “(For the life was manifested, and we have seen it, and bear witness, and shew unto you that eternal life, which was with the Father, and was manifested unto us;).” O, nabasa niyo ba yung yung life na nag-manifest sa harapan nila ay “which was with the Father?”
At isa pa, yung salitang “Word” sa John 1:1 ay hindi basta “word” lang na walang buhay na sarili. This is one of the names lang ni Jesus Christ being the Word of God. We can read this sa Revelations 19:13 (another writing of John) na sinabi niyang, “And he was clothed with a vesture dipped in blood: and his name is called The Word of God.” Meron pa nga siyang sinabi mismo na si Lord Jesus Christ ay equal kay God the Father sa John 5:18. Ito ang sabi mismo ni John, “Therefore the Jews sought the more to kill him, because he not only had broken the sabbath, but said also that God was his Father, making himself equal with God.” And isa pa, dineclare pa ni Thomas sa kaniyang sarili na “My Lord and My God!” or sa literal Greek ay “The Lord of Me and the God of Me!” So nakita niyo na it’s very clear na si Jesus ay God na nag-e-exist kasama ni God the Father at Siya ay nagkatawang-tao noong Siya ay na-conceived ng isang virgin (see Matt. 1:20). So naiintindihan niyo na si Jesus ay God based from John 1:1, 14; 5:18; and 20:28.
Since si Jesus ay may nature na God habang naglalakad sa lupa, Siya din ay may nature na human at the same time (see Col. 2:9). Yes! Naging dalawa na ang Kaniyang nature simula noong Siya ay nagkatawang-tao sa mundong ito. Isang divine nature at isang human nature. Kaya nga noong sinabi Niyang, “for my Father is greater than I” sa John 14:28 ay ipinapakita ng Bible diyan ang Kaniyang human nature. And as human, si Jesus ay may mga limitations at submissive sa Kaniyang Father kaya nga sinabi Niyang ang Father Niya ay greater than Him. Although, may mga time na pinapakita din ni Lord Jesus ang Kaniyang pagiging God noong Siya ay nasa lupa pa katulad ng pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao (see Mark 2:7), walking on water (see Matt. 14:26), and raising His own body from the dead (see Jn. 2:19) Ang salitang “greater” ay nanggaling sa Greek word na “μειζων” that refers to a quantitative term descriptive of the position Jesus Christ. Iba ito sa Greek word na “κρειττων” that describes His quality or nature. Kaya nga sa Hebrews 1:3 ang sabi ay “having become as much superior (Gk. κρειττων) to angels” kasi nga mas angat ang nature ni Jesus sa mga angels dahil sa mga sumusunod:
- Siya ay may pangalan na mas higit kesa sa kanila. (Heb. 1:3)
- Siya lang ang tinawag ni God the Father na Son compare sa mga angels. (Heb. 1:5)
- Siya ay winorship ng mga angels. (Heb. 1:6)
- Siya ay tinawag din. mismong “God” ni God the Father. (Heb. 1:8)
- Siya ang naglatag ng foundation ng creation bilang Creator tulad ni God the Father. (Heb. 1:10)
- Siya ay nakaupo sa right hand ni God the Father which speaks of equal authority with His Father. (Heb. 1:13)
So, nakita niyo na kung saan mali si Mr. Soriano? These are just some of the unbiblical doctrines na pino-promote ng Ang Dating Daan na kung hindi mo pag-aaralang mabuti ay akala mo talaga ay tama ang kaniyang mga sinasabi pero mali pala. Alam niyo, very subtle ang false doctrines ng kaaway. Hindi mo siya mahahalata. Para siyang isang bulok na mansanas na nakahalo sa isang basket ng magagandang mansanas. Sana ay huwag tayong basta-basta na lang mag-a-agree sa mga false teachers na ito. Matutunan sana nating mag-research at mag-study. Huwag kang basta-basta na manonood lang sa YouTube ng mga cut-and-paste na mga videos na hindi mo nalalaman kung sinong mga gumawa kasi ang daming fluy-by-night na mga false teachers diyan. Huwag ka ding makikinig lang sa mga mayhawak ng Bible but you will learn to seriously study and dig deeper. Tandaan mo na ang dali nilang mag-quote ng Bible verse. Pero pag pinag-aralan mo na ang kanilang mga passages doon na magkakaalaman kung sino talaga ang tama. Kaya nga’t huwag kayong magpapaniwala agad sa mga turo ni Mr. Soriano ng Ang Dating Daan. Gamitin natin ang ating isipan at huwag maging robot na tango lang ng tango sa lahat ng kaniyang mga sasabihin.
But false prophets also arose among the people, just as there will be false teachers among you, who will secretly bring in destructive heresies, even denying the Master who bought them, bringing upon themselves swift destruction. – 2 Peter 2:1
All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be complete, equipped for every good work. – 2 Timothy 3:16-17
Footnotes:
1 The Old Path. “Bro Eliseo Soriano: The Doctrine of the Trinity Exposed.” September 1, 2009. Video, 1:13-1:54. https://www.youtube.com/watch?v=S9vTTR-y0Ss.
2 The Old Path. “Bro Eliseo Soriano: The Doctrine of the Trinity Exposed.” September 1, 2009. Video, 1:54-2:37 https://www.youtube.com/watch?v=S9vTTR-y0Ss





0 Comments