A Cult Labeled As “Fundamental Baptist” and their Interpretation of John 14:28

Cult, Exegesis | 0 comments

I know that this will surely catched your attention. Paano nangyari na ang isang religious group who claims to be a Baptist ay naging kulto? There are cults of Christianity that can be known by means of their registered names like Iglesia Ni Cristo, Jehovah’s Witnesses, Ang Dating Daan, Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch), mga Oneness groups, at World Missions Society Church of God that believes in God the Mother. Pero marami ding nagkalat na mga kulto na akala mo ay Christian group dahil sa parang halos kapangalan ng isang Christian church.     

Fundamental Baptist But Not Truly Legit

When I mention the Fundamenta Baptist, I am not referring to the legitimate Baptist denomination. Ang totoong Baptist church kasi ay mga Christians din who believed in the Trinity and salvation by grace through faith in Christ katulad ng paniniwala ng maraming mga Christians. May mga ibang Baptist churches na naniniwalang ang King James Version lang daw na Bible ang siyang totoong Bible. The other Baptist churches claim to be a five-pointer Calvinist or two-pointer Calvinist, while others could be holding to an Arminian view. These numerous Baptist denominations are members of the body of Christ. They may not share in their non-essential doctrines but they fully agree in the essential doctrines like Trinity and salvation. Once a religious group who calls themselves a Baptist but goes against one of the major tenets of Christianity is not a legitimate Baptist but a cult group posing to be Baptist.

Unfortunately, this particular religious cult group calls themselves “Fundamental Baptist” are scattered around Metro Manila and some provinces holding on to unsound biblical teachings compare to that of the real Baptist denomination. Although, not all Fundamental Baptist teach the same heretical teachings they teach. Humiwalay lang talaga sila sa turo ng mga totoong Baptist at nagturo ng maling doktrina patungkol sa ating Panginoong Hesus while abhorring the Trinity doctrine. 

This cult group claims to be “Fundamental Baptist” but their teaching is a far cry from the sound teachings of the Bible. This group is now trying to used the social media to spread their false doctrines. You will also be surprised to hear some popular hymns being pipe in their religious program before they start. I believed this is because they do not have their own original songs na magamit kaya ginagamit nila ang mga hymnals ng mga Trinitarian Christians. It is also possible that they want to attract people to their group by using these hymnals as bait. Ganiyan din ang ginagawa ng mga kultong Mormon. Wala din silang magagandang hymnals na ma-compose kaya ang ginagamit nilang pang-akit sa ibang mga Christians ay ang mga classic hymnals ng mga Kristiyano. Ang nakakalungkot lamang ay noong kinakanta ng Mormon Tabernacle Choir ang famous na hymnal song titled “Holy Holy Holy” na kinompose ni John Bacchus Dykes, isang Christian clergyman, ay binago nila ang lyrics ng Holy, Holy, Holy especially yung phrase na “God in three Persons Blessed Trinity” to “God in Thy Glory through eternity!” HIndi kasi nila matanggap yung revelation ng Bible na Trinity. This is very unethical and very deceiving. 

After learning about this Filipino cult group who poses to be a Baptist from a concerned believer, I listened to some of their teaching via live streaming. I was surprised to learn that Jesus according to them was a divine being considered as God not equal to the Father but an inferior God. Walang pinagka-iba ito sa mga Saksi Ni Jehovah. Usually kapag mali ang turo ng isang religious group kay Jesus ay siguradong damay na din ang Holy Spirit sa maling katuruan nila. Actually, several years ago, I also listened to another religious group na ang tawag nila sa kanilang grupo ay “Independent Baptist” sa isang known television program here in the Philippines. Ang turo naman nila ay Diyos ang Ama, Diyos ang Anak, at Diyos ang Espiritu Santo pero hindi sila iisang Diyos kundi iisa lamang. They don’t want to directly say they believed in one God because according to their leader’s teaching the “one God” belief is a teaching of the Jews and the demons. Pag hindi mo talaga pinag-aralan ng mabuti ang Bible ay kayang-kaya kang iligaw ng mga false teachers na ito. 

Let me go back to this so-called “Fundamental Baptist” group who claimed to be Baptist. Sa totoo lang ay lumalabas na hierarchical ang kanilang ka-diyusan. Hindi po ito ang talagang turo ng mga Baptist. Hindi din sila totoong Baptist kundi nagpapanggap na mga Baptist lamang. Kaya siguro hindi nila ma-give-up yung pangalan ng religious group nila ay dahil sa magre-register na naman sila sa gobyerno ng panibagong religious name kaya para maiwasan ang panibagong bayad at pagod ay tinindigan na lang nila ang pangalang Baptist pero nilihis nila ang kanilang mga turo. Ito ang ilan sa mga bulok na kamatis na nakahalo sa magagandang uri ng kamatis. Importante talaga na tanungin ninyo muna ang statement of faith ng isang church before you even invest your time on it. 

I was also reminded of a couple who are living in Australia for quite sometime. Since there are no daughter church in that place where they live, they manage to attend a particular church na ang buong akala nila ay totoong Christian church. When I learned from them about the name of their religious group, I did a little research by checking their faith and history. It did not take long for me to discover that the religious group where they are attending is connected with the International Churches of Christ (ICOC), known here in the Philippines as Metro Manila International Christian Church (MMICC) the former Metro Manila Christian Church (MMCC) that believes salvation is a result of water baptism. When they learned about this, they decided to leave the group to look for a healthy Christian church. Mag-iingat tayong palagi.

Heresies Come From Within

Ganito ang heresiya. Sa loob ng iglesia nanggagaling ang mga bulaang mangangaral dahil sa ang goal nila ay marami silang madala sa kanilang mga maling aral. This is already evident even in church history during the time of the early church fathers. There is something in common among these false teachers namely Arius, Nestorius, Sabellius, Euthychus, Zephyrinus, Noetus, and Marcion. Lahat sila ay church leaders dati na  nagturo eventually  ng mga maling katuruan hanggang sa makarating sa panahon natin. Sabi nga sa letter ni Paul kay Timothy,

3 If anyone teaches a different doctrine and does not agree with the sound words of our Lord Jesus Christ and the teaching that accords with godliness, 4 he is puffed up with conceit and understands nothing. He has an unhealthy craving for controversy and for quarrels about words, which produce envy, dissension, slander, evil suspicions, 5 and constant friction among people who are depraved in mind and deprived of the truth, imagining that godliness is a means of gain. – 1 Timothy 6:3-5

Ang tanong, do these teachers agree with the sound words o tamang pananalita o teachings ng ating Panginoong Hesus? Ang turo ba nila ay may halong tamang pamumuhay? Kapag hindi in-line ang kanilang tinuturo sa aral ni Hesus ay matindi ang kayabangan ng mga taong ito at wala silang tunay pagkaunawa ng mga katotohanan. Ang gusto nila ay kontrobersiya lamang at away sa pamamagitan ng pananalita na kanilang ginagawa ngayon sa kanilang mga programa. Ang ganitong practice ay nagpro-produce ng pagka-inggit sa maraming bagay. Ang kanilang mga maling turo ay nagpro-produce din ng dissension o pagkakahiwa-hiwalay dahil sa mga maling katuruan na kanilang pinapakalat. Kasama na din dito ang slander o accusation na kanilang pinupukol sa mga pastor na kesyo pera lang daw ang habol ng mga ito sa kanilang mga miyembro. Ang mga false teachers na ito always thinks of evil suspicions o nag-iisip palagi ng masama tungkol sa mga nagtuturo ng tama and they are in constant friction sa mga tao sa church na katulad din nilang deprived sa katotohanan at may kasakiman ding tulad nila pagdating sa kung ano ang kanilang puwedeng makuha to their own advantage.

This is why the next time you hear some so-called pastor or persons teaching the Bible but perverts the truth of God’s word ay mag-iingat ka. They usually attacked and pervert two of the most essential doctrine of the Bible. These are the Trinity doctrine and salvation by grace through faith in Jesus Christ. Ang nakakalungkot ay marami pa rin ang hindi nakakaintindi sa maraming verses ng Bible na nagpro-prove ng pagiging God ni Jesus equal in nature with the Father. Nahihirapan silang unawain ang John 14:28 wherein Jesus said, “The Father is greater than I” o sa Tagalog “ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.” Sa ibang Tagalog version ng Bible, ang nakasalin ay “higit na dakila” (Ang Bagong Ang Biblia) o “mas dakila” (Salita ng Dios). If you will carefully notice that our Tagalog Bible use the word “dakila” hindi “mataas” dahil ang salin na Griyego ng salitang ito ay nanggaling sa μειζων  na ang tinutukoy ay hindi ang kalikasan ng Ama kumpara sa Anak kundi ang posisyon nito. Halimbawa, alam namin nating ang hari at ang kaniyang mga nasasakupan ay parehong tao sa kanilang kalikasan. Pero mas dakila ang hari sa kaniyang posisyon kung ito ay iko-compare mo sa kaniyang mga nasasakupan na sumusunod sa kaniya. Why is this? Kasi ang possible etymology ng salitang Tagalog na “dakila” ay “daku” which means big or huge referring to the nobility of kings. So if you want to connect that with the Lord Jesus Christ, He came to earth in the form or nature of a servant in in the likeness of men and in the external shape of a man yet in full human flesh (see Phil. 2:7-8; cf. Jn. 1:14). 

“The Father Is Greater Than I”

Ang pagiging higit na dakila ng Ama ay hindi nangangahulugan na ang Ama ay mataas na uri ng Diyos o di kaya’y Siya lamang ang Diyos samantalang si Jesus ay “mababang uri” ng Diyos o di kaya’y nilalang lamang. This is not the proper understanding of the Greek word μειζων translated as “greater” or “dakila.” Kung ang gustong sabihin ni Jesus ay mas mataas ang kalikasan or nature ng Ama Niya kaysa sa kaniya ay dapat ang ginamit Niyang Greek word ay κρειττων or “better” na ginamit ng twelve times sa the same book in the comparative sense. Hindi nga lang literal ang pagkakasalin ng ating mga Tagalog translators sa salitang Griyego na κρειττων sa Hebrews 1:4 kasi mas pinili nila ang mga salitang “lalong mabuti” (Ang Biblia), “di-hamak” (New Pilipino Version, Magandang Balita Biblia), “mas dakila” (Ang Salita ng Dios), “higit na mataas” (Ang Bagong Ang Bibklia, Poimen), at “mas mataas” (NT Pinoy Version). Samantalang hindi lang ito ang gustong sabihin ng salitang Griyego na κρειττων kundi mas mataas ang kalikasan ng Anak sa mga anghel. Ang root word ng salitang Griyego na ito ay κράτωρ nangangahulugan ng “presence of natural strength” or yung likas niyang kalakasan. (1) Ang lahat ng mga nilalang sa mundong ito ay walang likas na kalakasan but their strength comes from the Lord Himself sapagka’t sila ay nilalang ng Diyos. But it’s not the same with Jesus Christ. His strength comes from within because it’s His natural strength due to His divine attribute. At ang paliwanag pa rin sa dictionary tungkol sa Griyegong salitang ito ay “usually means ‘strength’ or ‘supremacy’ and is often used for God’s ‘might,’ with adjectives to denote, its uniqueness.” (2) Napansin mo ba iyong paliwanag na iyon na sinabing “often used for God’s ‘might,’ with adjective to denote, it’s uniqueness?” Bakit nga ba “better” ang Son sa mga angels according to the Hebrew writer? 

  • Ang Anak na si Hesus ang reflection (Gk. απαυγασμα) ng kaluwalhatian ng Ama (see Heb. 1:3). 
  • Kasi tinatawag ang pangalan ng Anak na “Jesus” which is mas mataas sa mga pangalan ng mga nilalang na mga anghel. (see Heb. 1:4).      
  • Si Hesus ay tinawag na “Anak” ng Diyos na kung tutuusin ay wala man lang sa mga anghel ay tinawag ng ganito ng Ama (see Heb. 1:5). 
  • Si Hesus ay sinasamba (Gk. προσκυνησατωσαν) ng lahat ng mga nilalang na mga angel.  
  • Si Hesus by nature ay hindi talaga kapantay sa posisyon ng mga angel na inuutus-utusan lamang but He is even called by His Father as “God” noong sinabi Niya mismo sa Kaniyang Anak, “Your throne, O God, is forever and ever” (see Heb. 1:8).
  • Si Hesus din ang naglatag ng pundasyon ng m mundong ito na ating ginagalawan at ang sangkalangitan ay gawa ng Kaniyang mga kamay. If that is the case then Jesus is the Creator just like His Father. Sa katunayan, ito ay sinipi ng author ng Hebrews sa Psalm 102:25-26 at in-apply niya kay Hesus (see Heb. 1:10-11).
  • Si Hesus din ang may karapatang umupo sa kanan ng Ama because He has the divine authority just like His Father (see Heb. 1:13). (3)   

Kung ating iko-consider ang konstekto ng Hebrews 1 ay puwede din nating isalin ang salitang Griyego na κρειττων as mataas na uri. Kung kaya ang salin na gagawin ko sa Hebrews 1:4 ay ganito,

“Kaya’t mas higit na mataas ang uri niya kaysa sa mga anghel, dahil sa karapat-dapat na pagtanggap ng mas nakatataas na pangalan kaysa sa kanila.”   

Ang salitang “uri” ay tumutukoy sa mataas na quality, rank, degree, o genus ng Anak kung ikukumpara sa mga anghel sapagka’t Siya ay Diyos na Lumalang ng lahat ng bagay na dapat lamang sambahin ng mga anghel. 

Conclusion

Truly, a careful study of the biblical language will surely reveal the true nature of the Son Jesus na ang Ama Niya ay mas greater o lalong dakila kaysa sa Kaniya sapagka’t Siya ay nasa Kaniyang katawang tao sa lupa na nagsisilbi sa Kaniyang Ama. Pero kung ating titingnan at pag-aaralan naman ang kanitang kalikasan o kalagayan comparing it with the angels based on the testimony of His Father, then we will see that He is also God equal to with the Father and the Holy Spirit by nature, form, being, and substance. Kapag magpapatuloy ang mga taong ito na nagsasabing sila daw ay “Fundamental Baptist” pero hinahamak nila ang kalikasan ng Anak ay masisiguro nating hindi nabibigyan ng kadakilaan ang Ama sa kanilang mga ginagawa. Subukan kaya ng mga tao sa paligid nilang hamak-hamakin ang kanilang anak at sabihin na hindi sila taong katulad nila tingnan ko lang kung hindi sila magalit at masaktan. Ganiyan ang ginagawa ng mga kulto ng Kristiyanismo sa tuwing niyuyurakan nila ang Anak ng Diyos na si Hesus. The Holy Spirit is grieved and the Father is dishonored. Let us not be deceived by these cults.   

Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya’y nagsugo. – Juan 5:23 

Footnotes:

(1) See Geofrey W. Bromiley, “Theological Dictionary of the New Testament,” (Grand Rapids, MI: Wm. B. Eerdmans Publishing Co., 1985), 466.

(2) Bromiley. Dictionary. 465.

(3) Ang kanang kamay ay hindi nangangahulugan ng mababang posisyon sa ancient Near East kundi ruler-ship, authority, sovereignty, blessing, defense, protection, and strength. Maaaring kakaiba ka kung sasabihin mo sa mga tao na nakaupo ka sa kanang kamay ng hari pero ang sabihin na ikaw ay nakaupo sa kanan ng Diyos na Lumalang ay hindi para banggitin ng isang nilalang. Naiintindihan ito ng mga religious authorities during their time kaya nga noong sinabi ni Hesus na, “And Jesus said, “I am, and you will see the Son of Man seated at the right hand of Power, and coming with the clouds of heaven” ay pinunit ng high priest ang kaniyang garments sabay sabi ng “What further witnesses do we need? You have heard his blasphemy. What is your decision?” At dahil dito ay kinondemn si Hesus at sinabing he is deserving of death (see Mk. 14:62-64).

Explore More

An Open Letter To Miss Yeng Constantino

An Open Letter To Miss Yeng Constantino

Dear Miss Yeng, First, we would like to commend you for your zeal and passion to serve the Lord ever since you came to know Jesus Christ as your personal Lord and Savior. It is clear that your heart desires to grow in faith and to use your gifts for God’s glory. We...

read more

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *