Ang sabi ng isang kausap kong Kristiyano, “Eh sina Peter nga at ang mga ibang mga apostol ay hindi nakapag-aral. Bakit ko kailangan pang mag-aral ng pagpapaliwanag ng Bibliya?” Parang may punto naman ang aking kausap pero ang hindi niya nauunawaan ay ang katotohanan na sina Peter at ang iba pang mga apostol ay nakakaunawa ng Hebrew at Greek na mga salita samantalang siya naman ay hindi. Alam ko naman na kaya mong maintindihan ang John 3:16 kahit na hindi ka magbasa ng Hebrew at Greek. Pero kung ikaw ay mag-aaastang mangangaral or teacher ng Bible na parang alam mo ang sinasabi mo ay kailangan mo nang mag-aral ng proper way of interpreting the Scripture or biblical hermeneutics. Tandaan mo na ang sabi nga ni James,
Not many of you should become teachers, my brothers, for you know that we who teach will be judged with greater strictness. – James 3:1
Hindi natin maiiwasang magturo kasi tinawag tayong mag-disciple ng mga lost people. Actually, marami akong nakakausap na mga believers na may magagandang hangarin naman sa pagbabasa at pag-aaral ng Bible. Walang masama dito. Maganda ito. Nakakatuwa pa nga na malaman na nagbababasa at nag-aaral sila ng Salita ng Diyos. Ang nagiging problema nga lamang ay kapag sinabi na nilang hindi ko kailangan ng tulong ng ibang mga tao upang maintindihan ko ang Bibliya. Basta’t ang kailangan ko lamang ay ang Diyos na magtuturo sa akin ng Bibliya at ang aking sariling pag-aaral lamang. Naniniwala naman tayo na si Lord ang gagabay sa kaniya sa kaniyang pagbabasa at pag-aaral. But it doesn’t mean that he will not be needing any help already from other believers na gifted in the aspect of teaching. Delikado ang ganitong gawain ng mga Kristiyano. Ito ay sa kadahilanang walang puwedeng mag-correct sa kaniyang pagkaunawa ng mga talata at doctrine na maaari niyang yakapin as a result of his own self-study.
Dito nagsimula ang mga lider ng maraming kulto na ayaw nilang magpa-correct sa kanilang mga subjective interpretation. Ang akala nila ay makabasa ka lamang ng Greek at mamili ka lamang ng gusto mong meaning sa English ay sapat na para sabihin na tama na ang iyong interpretation. Delikado ang ganitong style ng pag-aaral ng Bibliya. Matutunan sana nating i-bounce off sa ibang mga kapatiran na pormal na nag-aral ng biblical language and theology ang mga interpretation natin sa mga talatang ating pinapaliwanag. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang mga early church leaders ay palaging nagpupulong kapag may mga maling turong kumakalat? This is because pinag-uusapan nila ito at hinahatulan kung tama ba ang doctrine na tinuturo ng mga tao sa kanilang simbahan. Kaya nga may mga council na nagaganap noong mga kapanahunang iyon.
Ang Council of Nicea ay isang meeting na ginanap noong AD 325 para pag-aralan ang turo ni Arius sa Alexandria, Egypt about kay Jesus Christ. Imagine, he taught that Jesus Christ is an inferior God than the Father thereby making him a created being. Kumalat ang turong ito sa maraming lugar kung kaya’t halos nayanig ang paniniwala ng maraming mga believers noong panahon na iyon. Mabuti na lamang at mayroong isang deacon by the name of Athanasius na tumindig against his wrong teaching. At dahil sa council meeting na ito ay tumigil pansamantala ang pag-spread ng Arian teachings. Pero mayroon pa ring mga taong yumakap sa paniniwalang ito ni Arius hanggang makarating ito sa ating panahon. Kung kaya’t mayroon tayong mga grupong ganito din halos ang paniniwala na si Hesus ay isang creature na ginawa lamang ng Ama katulad ng mga doctrines na pinapakalat ng mga Iglesia Ni Cristo, Christadelphians, Unitarians, at Saksi ni Jehovah.
Noong AD 381 naman ay nag meeting ang mga 150 na church leaders na karamihan ay mga Eastern bishops sa tulong ni Emperor Theodosius. Ito ay para kumpirmahin na suportado niya ang doctrine na ipinahayag ng Council of Nicea na unti-unting winawalang bahala ng mga maraming liderato na nauna sa kaniya. Binigyan ng meeting na ito ng isang matinding rejection ang Arian doctrine at nilatag ng husto ang doktrina ng tatlong Persona sa nag-iisang Diyos. Nilatag nila dito ng malinaw galing sa Bibliya ang pagiging Diyos ng Banal na Espiritu na Siya ay kapantay din naman ng Ama at ng Anak na si Hesus. Paano na lamang kung walang Emperor Theodosius na nag-meeting sa mga church leaders.
At noong AD 431 ay binigyan ng permission ni Celestine I si Cyril, ang Patriarch ng Alexandria na imbestigahan ang isang taong nagngangalang si Nestorius. Ito ay dahil sa kaniyang teaching na si Hesus daw ay may dalawang persona na kinondena na ni Celestine I noong una pa man.
Ilan pang mga meetings na ganito ng council ang nangyari na ang akala nila ay hinaluan ng politics. Pero ang totoo ay nakatulong lamang ng husto ang mga emperor ng siyudad sa mga church leaders para magkaroon sila ng avenue na pag-usapan ang kanilang mga major doctrines dahil sa naaapektuhan ang nasasakupan ng emperor kapag ang mga tao ay divided sa kanilang religious na paniniwala. Noong mga panahong iyon kasi ay lubhang kabit ang relihiyon sa estado.
Ang gusto lang nating malaman ng mga tao sa article na ito ay napakaimportante talaga na may check and balance na nangyayari sa ating mga doctrines. Ito ay para maiwasan natin ang mga maling doktrina. Ang ilan sa mga false doctrines na ipinapakalat ng mga maraming kulto ngayon ay ang mga sumusunod:
- Si Jesus daw ay tao at hindi Diyos na kapantay ng Ama.
- Si Jesus daw ay nilalang ng Kaniyang Ama.
- Si Jesus daw ay mababang-uri ng Diyos sa Ama.
- Si Jesus daw ay hindi Anak ng Diyos.
- Si Jesus daw ay ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu.
- Si Jesus daw ay parang tao pero hindi tunay na tao.
- Si Jesus daw ay tunay na Diyos pero mababa sa Amang tunay na Diyos.
- Ang Banal na Espiritu daw ay hindi tunay na Diyos.
- Ang Banal na Espiritu daw ay hindi Persona.
- Ang Banal na Espiritu daw ay isang kapangyarihan lamang na nanggaling sa Diyos Ama.
Sadly, may mga mananampalataya naman na naniniwala sa mga sumusunod na katuruan kahit na alam nilang ito ay labag sa proper grammatico-historical interpretation ng Bible.
- Nawawala daw ang kaligtasan ng isang tao kapag siya ay nagsinungaling o gumawa ng mga moral failures. Kapag ganito ang paniniwala ng isang believer ay lumalabas na hinahawakan niya ang doctrine na works can still save a person in addition to faith.
- Kapag tinanggap mo daw si Hesus sa iyong buhay ay puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mong gawin tutal save ka na rin. Itong klase naman ng paniniwalang ito ay naglalayon na bigyan ng license ang isang tao para magkasala kasi pinatawad na daw siya ng Diyos.
- Puwede ka na daw na hindi magkumpisal ng mga kasalanan mo kasi napatawad ka na ng Diyos sa past, present, and future sins mo. Ito naman ay delikado dahil kapag hindi ka humingi ng tawad kay Lord then magkakalyo ang puso mo to the point that you cannot hear the voice of God anymore through His word of truth.
- Ang 1 John 1:9 daw ay hindi para sa mga Christians but for the unbelievers. Hindi ba nila nababasa ang binanggit ni John na “we” and “our” sa verse na iyan. Ang ibig sabihin niyan ay kasama siya dahil sa ang 1 John 1:9 ay isinulat para sa mga believers not for the unbelievers or Gnostics.
- Ang mga apostol daw ay hindi pa born again na matatawag o hindi pinananahanan ng Banal na Espiritu dahil sa hindi pa nabubuhay sa mga patay si Kristo Hesus. Hindi ito totoo dahil sa ang kondisyon para ikaw ay panahanan ng Holy Spirit ay tanggapin at panampalatayanan mo lamang si Hesus sa iyong buhay bilang Panginoon, Diyos, at Tagapagligtas. In fact, sabi nga ni Paul, “no one can say ‘Jesus is Lord’ except in the Holy Spirit” (1 Cor. 12:3). Naniniwala ba ang mga apostol na si Jesus ay Panginoon nila? Kung yes ang sagot mo ay tama lamang na paniwalaan nating sila ay may Banal na Espiritu na sa kanilang buhay kung saan ito ay tumatahan bago pa man nag-resurrect si Jesus Christ. Ang akala nila siguro na noong sinabi ni Jesus sa mga apostles na “receive the Holy Spirit” ay doon lamang nila tinanggap ang Holy Spirit. This is not understanding the whole unity of the Scripture na ang ibig sabihin lamang nito ay ang pagtanggap nila sa Holy Spirit ay isang simbolo na kanilang tatangapin ang spiritual gift ng Holy Spirit sa Acts 1:8 where Jesus said “But you will receive power when the Holy Spirit has come upon you.”
- Si Jesus daw ay na-born again sa impiyerno sabi ng ibang prosperity preachers. Paano naman mangyayari ito eh hindi nga Siya makasalanan.
- Kapag kumain ka daw ng dinuguan ay mawawala ang kaligtasan mo. If this will be their reasoning then they are under the law not under grace.
- Hindi ka daw totoong ligtas kapag hindi mo binasa ito sa King James Bible. Ni-limit naman nila ang kaligtasan na ginagawa ng Diyos sa isang version ng Bibliya.
- Hindi ka daw totoong Kristiyano kapag hindi ka nagta-tongues. Hindi naman ito totoo. Kasi lalabas na ang mga apostol ay naging totoong mananampalataya lamang pala noong sila ay nag-speak in tongues sa book of Acts.
- Pag nag-speak in tongues ka ay hindi ka tunay na mananampalataya. Mali naman ito dahil wala namang ganitong sinasabi sa Bible.
- Hindi ka daw dapat magpa-vaccine dahil sa ito daw ay marka ng anti-Christ. Dahil sa ganitong klaseng katuruan ay marami tuloy ang napahamak.
- Literal daw ang “one day is with the Lord as a thousand years” kaya puwedeng ma-predict ang date ng pagdating ni Jesus. Tandaan natin na ito ay figure of speech lamang at walang makakapag-predict ng pagdating ni Jesus Christ (see Matt. 25:13).
Again, mag-ingat tayo sa pagpapanggap na marunong tayong mag interpret ng mga passages ng mga Scriptures na sa totoo ay hindi naman pala. Ang sabi ko nga ay wala namang masama na magbasa at mag-interpret ng mga passages ng Bible as long as we are open for correction kapag hindi na ito tama based from how the many respected scholars of the Bible sees it. Kaya nga binigyan ang simbahan ng mga mananampalatayang gifted sa pagtuturo para makatulong sa ating lahat. Nag-aral sila ng biblical languages, church history, theology, biblical archaeology, New Testament and Old Testament exegesis, at marami pang iba para makatulong sa tamang pagpapaliwanag ng mga passages ng Scripture para tayo ay hindi mahulog sa trap ng maling interpretation. I understand na nagkakaiba din ang interpretation ng maraming mga biblical scholars. But at least nasa tamang manner pa rin sila ng pagpapaliwanag ng mga passages. Okay lang sana kung katanggap-tangap ang interpretation at within the boundaries of proper orthodox teaching pa rin ang paniniwala ng isang unschooled na believer. Pero paano kung hindi na katulad ng mga nasa itaas na mga turo? Huwag sana tayong maging arrogant kapag tayo ay tinatama ng mga kapatiran na mas nakapag-aral ng pormal sa atin upang maiwasan ang pagkalat ng maling katuruan pagdating ng araw.
not that there is another one, but there are some who trouble you and want to distort the gospel of Christ. – Gal. 1:7
There are some things in them that are hard to understand, which the ignorant and unstable twist to their own destruction, as they do the other Scriptures. – 2 Pet. 3:16b
And he gave the apostles, the prophets, the evangelists, the shepherds and teachers, to equip the saints for the work of ministry, for building up the body of Christ, until we all attain to the unity of the faith and of the knowledge of the Son of God, to mature manhood, to the measure of the stature of the fullness of Christ, so that we may no longer be children, tossed to and fro by the waves and carried about by every wind of doctrine, by human cunning, by craftiness in deceitful schemes. – Eph. 4:11-14





0 Comments